Paul Soriano nagbitiw na bilang presidential adviser

 

Nagbitiw na bilang presidential adviser on creative communications ang film director na si Paul Soriano.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil.

Ayon kay Garafil, nagbitiw sa puwesto si Soriano para makapiling ang kanyang pamilya.

“Presidential Adviser Paul Soriano took a well-deserved break to spend time with his family and newborn daughter,” pahayag ni Garafil.

“He has since submitted his resignation to prioritize his personal commitments,” dagdag ni Garafil.

Sa ngayon, wala pang napipisil si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipapalit sa puwesto ni Soriano.

“There is no replacement for the role of Presidential Adviser on Creative Communications for now,” pahayag ni Garafil.

Itinalaga ni Pangulong Marcos si Soriano noong Oktubre 2022 at naghain ng leave of absence noong Hulyo 2023.

Personal reasons ang dahilan ni Soriano sa paghahain ng leave of absence.

Si Soriano sana ang magdi-direk sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Marcos noong Hulyo subalit hindi natuloy at pinalitan na lamang ng Radio Television Malacanang (RTVM).

 

 

 

Read more...