Singil sa kuryente tataas

 

Tataas ang singil sa kuryente ngayong buwan ng Nobyembre.

Ayon sa Manila Electric Company, nasa P0.2357 kada kilowatt-hour ang itataas sa singil.

Ito ay dahil sa mataas ang generation at transmission charges.

Nangangahulugan ito ayon sa Meralco na tataas ng P47 ang babayaran para sa customers na kumukunsumo ng 200 kWh.

Paliwanag ng Meralco, nasa P0.1211 kada kilowatt-hour ang itinaas sa transmission charge.

 

Read more...