VAT planong itaas sa 15% kapalit ng kaltas sa income tax

 

Inquirer file photo

Balak ng papasok na administrasyon na itaas sa 15% ang 12% Value Added Tax o VAT na ipinapatupad sa bansa.

Ayon kay incoming Budget Secretary Benjamin Diokno, gusto lang nilang ipatupad ang orihinal na plano noong binabalangkas pa lamang ang VAT noong panahon ng Cory administration.

Ayon sa kalihim, bagamat itataas nila ang VAT, ibababa naman nila sa 25% ang kinokolektang personal income tax mula sa kasalukuyang 32%.

Umaasa sila na mas marami ang matutuwa dahil madadagdagan ang pera sa bulsa ng mga taxpayers na pwede nitong gagastusin o ipunin.

Ang talaga aniyang matatamaan ng VAT ay mga mayayaman na madalas mag-shopping o mag-hotel.

Isa pang opsyon ayon kay Diokno ay bawasan ang corporate income tax mula 30% at gawing 25% para mas maraming investors ang maengganyong magnegosyo sa bansa.

 

Read more...