‘Unfinished business’ ni General Marquez, itinagubilin na kay incoming PNP Chief Dela Rosa

 

Ipapaubaya na lamang umano ni dating Chief PNP Ricardo Marquez kay incoming PNP Chief Ronald dela Rosa ang mga trabahong naiwan at hindi niya natapos.

Ani Marquez, kabilang dito ang pagbawi sa pamamahala sa PNPA o Phil National Police Academy na nasa pamamamala ng PPSC o Philippine Public Safety College.

Paliwanag ni Marquez, hindi umano tugma sa pangangailangan ng PNP ang mga graduates ng PNPA.

Ihinahabilin din ni Marquez kay Gen Bato ang pagsusulong ng PNP Modernization and Reorganization Bill sa kongreso.

Bilang magiging ama ng PNP, tiwala naman si Marquez na magtatagumpay si Gen. ‘Bato’ sa kanyang misyon kung magiging tama at patas ito sa kanyang magiging desisyon.

Pormal na nagretiro si Marquez kamakalawa o mas maaga ng 2 buwan sa mandatory retirement nito sa Agosto upang bigyang daan ang pag-upo ni dela Rosa.

 

Read more...