Incoming DSWD Sec., hindi inasahang mapapabilang sa Gabinete

 

Inquirer file photo

Hindi inakala ni incoming Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo na mapapabilang ang isang tulad niyang maka-kaliwa sa Gabinete ng pangulo.

Para kay Taguiwalo, kakaiba at hindi pangkaraniwan ang ginawang hakbang ni incoming President Rodrigo Duterte na mag-alok ng posisyon sa pamahalaan sa kaliwa upang tunay na maisakatuparan ang pagbabago.

Labis rin ang kagalakan ng magiging bagong kalihim dahil hindi madalas dumarating ang ganitong pagkakataon para sa sektor na pinanggalingan niya.

Bukod kay Taguiwalo, pasok rin sa Gabinete ang mg kapwa niyang maka-kaliwa na sina Rafael Mariano para sa Department of Agrarian Reform (DAR) at Joel Maglunsod bilang undersecretary sa Department of Labor and Employment (DOLE).

 

Read more...