Ibinahagi ni Senator Sonny Angara sa mga kapwa senador na P300 million ang nabawas sa nakapaloob ng confidential at intelligence funds sa proposed 2024 national budget.
Base ito sa naging rekomendasyon na rin ng Kamara ukol sa “secret funds” ng ilang ahensiya ng gobyerno.
Sa pagpapatuloy na paliwanag ng namumuno sa Senate Committee on Finance, nabatid na P9.82 billion ang nakapaloob na confidential at intelligence funds sa pambansang pondo sa susunod na taon.
Pagbabahagi pa ni Angara base sa pagtatanong ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel, P10.1 billion ng secret funds ang ikinalat ng Ehekutibo sa 2024 National Expenditure Program.
Humingi si Pimentel ng kopya ng ginawang “adjustments” ng komite kaugnay sa “secret funds.”
Idinagdag na lamang din ni Angara na bagamat nabawasan ang halaga, nadagdagan ang CIF at National Intelligence Coordinating Agency (NICA), National Security Council (NSC) at Philippine Coast Guard (PCG).