Matapos lamang ang isang linggo, apat na bagong halal na barangay officials ang pinatay at dalawang iba pa ang nasugatan sa magkakahiwalay na insidente ng karahasan makalipas ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections noong nakaraang Oktubre 30.
Sinabi ni PNP spokesperson, Col. Jean Fernando ang mga insidente ay nangyari sa Metro Manila, Northern Mindanao, Central Mindanao, Southern Mindanao at Calabarzon.
“The status of these cases is that five of them are under investigation while one was already filed in court,” ani Fajardo.
Kabilang din aniya sa mga biktima ay dalawang bagong halal na punong-barangay at apat na bagong halal na barangay kagawad.
Nakapagtala na ang pambansang pulisya ng 19 patay at 66 sugatan sa mga insidente bago ang eleksyon.
Samantala, sa 297 election-related incidents na naitala simula ang election period noong Agosto 28, 77 ang napatuayan na may kinalaman sa nagdaang eleksyon.