Wanted sa New York, arestado sa Makati

 

Arestado sa Makati City ang puganteng Filipino-American na wanted sa New York matapos siyang makapatay noong nakaraang taon.

Nahaharap ngayon sa extradition sa United States si Miguel Abarentos na natimbog sa Guadalupe, Makati City kung saan siya nagtatrabaho bilang construction worker.

Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) press information office chief Nick Suarez, si Abarentos ang suspek sa pagpatay sa isang Thawerdas Sadhwani noong December 15, 2015.

Naaresto siya noong June 21 sa bisa ng warrant na inilabas ni Manila Regional Trial Court Branch 16 Judge Janice Yulo-Antero.

Mayroon nang kasong second degree murder na naghihintay kay Abarentos sa United States na may parusang 25 taong pagkakakulong.

Nahirapan ang United States na hanapin ang suspek sa kanilang teritoryo, ngunit nagkaroon rin sila ng lead sa tulong ng NBI kaya natunton siyang nagtatago sa Makati at nagtatrabaho bilang isang trabahador sa construction site.

 

Read more...