Isinusulong ni Senator Sonny Angara na maideklarang special national working day ang Nobyembre 7 bilang paggunita sa pagdating ng Islam sa Pilipinas.
Matagal nang ginugunita ng Filipino-Muslims tuwing Nobyembre 7 ng kada taon ang pagdating ng Islam sa bansa sa pagdating ni Sheikh Karim’ul Makhdum noong 1380 sa Sinumul Island sa Tawi-Tawi na sinundan ng pagpapatayo ng kauna-unahag mosque sa Pilipinas.
Nakatayo pa rin sa naturang lugar at dito base sa libro ni Dr. Cesar Adib Majul unang ipinangaral ang Islam at ito ay base na rin sa ginawang pag-aaral ni Dr. Najeeb Saleeby.
Tuwing Nobyembre 7 ginugunita sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang Sheikh Karim’ul Makhdum Day bilang special public holiday.
“Islam is one of the oldest religions in the country—arriving over a century before Christianity. It is part of our culture and history as a nation and it is only fitting that we give due recognition to the contributions of our brothers and sisters of the Islamic faith and be one with them in commemorating the arrival and proliferation of Islam in the Philippines,” ani Angara.
Nabanggit ng senador na ang kanyang ama, ang yumaong Senate President Edgardo Angara ang nagtulak naman sa Republic Act 10573, na nagdeklara sa Sheikh Karimul Makhdum Mosque bilang national historical landmark.
Inihain aniya niya ang Senate Bill 1616, upang mas mapahalagahan ang kontribusyon ng Islam sa Pilipinas.