Oath-taking ng 2023 Bar passers itinakda sa Disyembre 22

Inilabas na ng Supreme Court ang iskedyul ng oath taking at roll signing ceremonies para sa mga nakapasa sa katatapos na 2023 bar examinatiins.

Ayon sa Public Information Office ng SC, gagawin ito sa  darating na Disyembre 22 sa SMX Convention Center sa Pasay City.

“The Office of the 2023 Bar Chair has announced that the Oath Taking & Roll Signing Ceremonies shall be held on December 22, 2023 (Friday) at SMX Convention Center, Pasay City.,” pahayag ng SC PIO.

Isinagawa ang Bar exams noong Setyembre at 10,387 examinees sa 10,791 aplikante ang nakakumpleto sa tatlong araw na eksaminasyon.

Hindi pa nailalabas ang resulta ng isinagawang Bar exams.

Read more...