Sen. Cynthia Villar umapila sa LGUs na bantayan ang protected areas

SENATE PRIB PHOTO

Nanawagan si Senator Cynthia Villar sa mga lokal na pamahalaan na bantayan at pangalagaan ang “protected areas” na nasa kanilang nasasakupan.

Ginawa ni Villar ang apila sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Committtee on Environment, Natural Resources and Climate Change sa mga panukala na maideklara ang iba pang lugar sa bansa bilang “protected areas.”

Himutok ng senadora mabilis ang pagkasira ng kalikasan sa bansa dahil sa pagsasamantala ng mga tao, gayundin ang hindi tamang pangangasiwa ng mga kinauukulan.

Binanggit din niya sa pagdinig ang pakikipagkasundo ng gobyerno sa ilang indibiduwal at grupo na naninirahan sa “protected areas.”

Ibinigay niyang halimbawa ang pagpayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa isang sinasabing kulto na magtayo ng komunidad sa isang protected area sa Socorro, Surigao del Norte.

“Please look after your legislated protected areas because its your responsibility,” ani Villar.

Aniya may kapangyarihan ang gobyerno para mapangalagaan ang kalikasan kung gagawin lamang ito ng mga awtoridad.

Read more...