Pampanga Rep. GMA, Davao Rep. Isidro Ungab inalis bilang House deputy speakers

INQUIRER FILE PHOTO

Halos anim na buwan lamang matapos alisin bilang House senior deputy speaker at gawing House deputy speaker, binawi na rin ang titulo kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.

Nangyari ito sa sesyon ngayon hapon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Pinalitan si Arroyo ni Isabela 1st District Rep, Antonio “Tonypet” Albano.

Naalis din bilang deputy speaker si Davao Rep. Isidro Ungab at siya ay pinalitan ni Lanao del Sur Rep. Yasser Alonto Balindong.

Nagsisilbi pang chairman emeritus ng Lakas-CMD party si Macapagal-Arroyo at ang kasalukuyang pangulo naman ng partido ay si Speaker Martin Romualdez.

 

 

 

Read more...