Duterte, dumating na sa Maynila

 

Inquirer file photo

Nasa Maynila na si incoming president Rodrigo Duterte.

Dumating si Duterte kagabi sa Villamor Air Base sakay ng eroplano mula Davao City pasado alas diyes ng gabi, Miyerkules.

Kasama nito sa byahe ang kanyang partner na si Honeylet Avanceña at ang kanilang anak na si Kitty.

Sa kanilang paglapag sa Villamor, agad silang lumabas ng paliparan tungo sa isang hindi tinukoy na hotel kung saan sila mamamalagi hanggang mamaya.

Mamaya, dakong tanghali, nakatakdang manumpa sa kanyang tungkulin si Duterte ilang ika-16 na Presidente ng Pilipinas.

Ang naturang okasyon ay dadaluhan ng mahigit na 600 imbitdong bisita sa Palasyo ng Malacañang.

Read more...