Desisyon ng Arbitral Tribunal sa reklamo ng Pilipinas kontra China, ilalabas na sa July 12

 

Mula sa pcacases.com

Itinakda na sa July 12 ng United Nations Permanent Court of Arbitration ang paglalabas ng desisyon sa inihaing reklamo ng Pilipinas kontra sa China kaugnay sa territorial dispute sa South China o West Philippines Sea.

Batay sa statement na inilabas ng Permanent Court of Arbitration (PCA), sa The Hague, Netherlands, naipagbigay-alam na ng hukuman sa dalawang partido ang impormasyon ukol sa paglalabas ng ‘Award’ o desisyon sa naturang reklamo.

Ang desisyon ay matagal nang inaantabayan ng Pilipinas upang mabigyang linaw na ang patuloy na pagtatayo ng mga isla ng China sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippines Sea.

January 22, 2013, nagsimula ang arbitration nang maghain ng Notification and Statement of Claim ang Pilipinas sa China batay sa mga probisyon sa ilalim ng Convention on the resolution of Disputes ng Arbitral Tribunal.

February 19,2013, ibinasura ng China ang Notification at iginiit na hindi makikilahok sa mga pagdinig.

March 30, 2014, naghain ng written Memorial ang Pilipinas upang ipaliwanag ang panig ng bansa sa usapin ng teeritorial dispute.

June 21, 2013 naman nang buuin ang Tribunal upang dinggin ang kaso.

October 29, 2015, opisyal na tinanggap ng tribunal ang reklamo ng Pilipinas sa ilalim ng Award for Jurisdiction and Admissibility.

Una rito, napilitan ang Pilipinas na idulog na sa PCA ang reklamo sa pagtatayo ng mga isla  ng China sa mga bahurang nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Ito’y sa kabila ng mga reklamo at note verbale na ipinapadala ng Pilipinas na kumokontra sa ginawang ito ng China sa mga naturang lugar sa West Philippines Sea.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...