Sec. Kiko Laurel bubuo ng intel group sa paglaban sa korapsyon sa DA
By: Jan Escosio
- 1 year ago
Inanunsiyo ni Agriculture Secretary Francisco Laurel ang pagbuo niya ng isang intelligence group sa paglaban niya sa korapsyon sa kagawaran.
Aniya pagtalima lamang ito sa direktiba ni Pangulong Marcos Jr., na ilantad ang lahat ng mali sa DA.
Bukod pa dito, dagdag pa ni Laurel, ang kanyang sisimulang pakikikidigma sa mga smugglers at hoarders na pumapatay sa kabuhayan ng mga magsasaka at konsyumer.
“Well, that is one of the prime directives of the President to continue ‘yung anti-smuggling and anti-hoarding campaign ng DA,” aniya.
Una nang hinikayat ni Pangulong Marcos Jr., ang mamamayan na tumulong sa kampaniya laban sa rice smugglers at hoarders dahil sila ang lubhang nakakaapekto sa suplay at presyo ng bigas sa bansa.
Pag-upo ni Pangulong Marcos Jr., nasangkot na sa ibat-ibang kontrobersiya ang ilang opisyal ng DA dahil sa suplay at presyo ng sibuyas, asukal, isda, bigas at iba pang mga produktong pang-agrikultura.