Planong pagpapabagsak sa administrasyong-BBM mabibigo – Bong Revilla Jr.
By: Jan Escosio
- 1 year ago
Kumpiyansa si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., na walang mangyayari sa sinasabing plano na pabagsakin ang administrasyong-Marcos Jr.Kontra din aniya sila sa Lakas-CMD party sa anumang destabilisasyon laban sa kasalukuyang gobyerno.Sa kasalukuyan si Revilla ang chairman ng Lakas-CMD.Katuwiran pa ng senador na hindi ito ang panahon para magkawatak-watak ang sambayanan dahil sa tambak ng mga problema na kinahaharap ng bansa, partikular na ang mataas na presyo ng mga bilihin.Kasabay nito, umapila si Revilla sa mga nagpapakalat ng diumano’y “destabilization plot” na tumigil na at hayaan na mamayani ang interes na ikabubuti ng lahat at hindi ang personal na interes lamang.Dumistansiya naman ito sa isyu ng bangayan sa liderato ng Kamara na iniuugnay sa umugong na planong destabilisasyon.Sa halip ay umapila ito ng pagkakaisa para maisulong ang interes na makakabuti sa mamamayan at sa Pilipinas.