Baron Geisler umaming na naging therapy sa kanya ang laban kay Kiko Matos

baron Geisler
Photo: Den Macaranas

Inamin ni Baron Geisler na malaki ang natutunan niya sa pakikipag-laban sa loob ng ring sa kapwa aktor na si Kiko Matos.

Sa exclusive interview ng Radyo Inquirer, sinabi ni Baron na sa unang araw pa lang ng kanyang training ay pumasok na sa kanyang isip na seryosohin ang pag-eensayo.

Dahil sa nasabing mixed martial arts fight ay nailayo niya ang kanyang sarili sa isyo lalo na sa pag-inom ng alak.

“Kung dati ay araw-araw akong lasing ngayon hindi na mula nang mag-umpisa ang aking ensayo, sinabi ko sa sarili na mas ayos ito kesa ma-rehab pa ulit ako”, pahayag ni Geisler.

Ayon pa sa aktor, “kung nagawa ko na magkaroon ng disiplina sa sarili kaya rin ito ng iba na gusting ayusin ang direksyon ng kanilang buhay”.

Sinabi pa ni Geisler na muli silang nagkausap ni Matos sa pamamagitan ng telepono at ditto ay muli nilang sinabi sa isa’t isa na kalimutan na ang hindi pagkakaunawaan.

Ipinaliwanag din ng aktor na naging mas makahulugan sa kanya ang salitang “respeto” makalipas ang kanilang laban ni Matos.

“Pareho naman kaming hindi propessional fighters kaya yung makatungtung lang sa loob ng ring ay para na rin kaming nanalo”, ayon pa sa aktor.

Read more...