Kalidad ng hangin sa bansa bumuti na ayon sa DENR

(DENR)

Bumuti na ang kalidad ng hangin sa bansa.

Ayon sa Environmental Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources, base ito sa nasukat na Particulate Matter (PM) sa atmospera.

Nabatid na  mula Enero hanggang Hunyo 2023, naitala ng EMB ang average na 40 ug/ncm (micrograms per normal cubic meter) para sa Particulate Matter 10 (PM10) sa Metro Manila na bahagyang bumaba mula sa 43 ug/ncm ng parehas na petsa noong nakalipas na taon.

Sa buong bansa, ang average amount ng PM10 ay umabot sa 34 ug/ncm para sa anim na buwan ng 2023 na mas mataas sa 29 ug/ncm noong isang taon.

Ang PM10 ay ang microscopic matter na makikita sa hangin na mayroong 10 micrometers o mas mababa pa tulad ng alikabok mula sa mga sementado at hindi sementadong lansangan.

Ang 24-hour acceptable threshold standard level o guideline value para sa PM10 ay 150 ug/ncm habang ang annual guideline value ay 60 ug/ncm.

Sinabi ni DENR Assistant Secretary at EMB Director Gilbert Gonzales na ang dami ng air pollutants sa Metro Manil ay bumaba nitong nakalipas na dekada kung saan ang PM10 ay may average na 70 ug/ncm noong 2012 at ang PM2.5 ay 36 ug/ncm noong 2017.

 

Read more...