COVID-19 cases bumaba sa nakalipas na isang linggo

Mas mababa ng 18 porsiyento ang naitalang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 5, araw ng Linggo.   Ayon sa Department of Health (DOH), sa nabanggit na panahon, nakapagtala ng 895 bagong kaso ng nakakamatay na sakit at ang bagong daily average ay bumaba sa 128.   Sa mga naitalang bagong kaso, 12 ang malubha at kritikal ang kondisyon.   Wala naman naitalang nasawi dahil sa sakit sa nakalipas na dalawang linggo.   Partuloy din ang pagpapaalala ng kagawaran na nanatiling nasa Alert Level 1 ang bansa at hinihikayat ang mamamayan na sumunod sa minimum public health standards.

Read more...