Patay sa Istanbul airport bombing umakyat na sa 41

Istanbul
AP

Umabot na sa apatnapu’t isa ang namatay habang mahigit dalawang daan naman ang sugatan sa naganap na pambobomba sa Istanbul Ataturk Airport sa Turkey.

Ito ang kinumpirma ng Office of the Governor ng Istanbul sa isang pahayag.

Sinabi rin ng Governor’s office na sampu sa mga nasawi sa pag-atake na isinisi sa Islamic State ay mga foreign nationals habang ang tatlo naman ay may dual nationality.

Sa napaulat na 239 na nasugutan, 109 aniya dito ay nalapatan na ng lunas at nakalabas na ng ospital.

Naganap ang pagsabog ala 1:34 ng madaling araw oras sa Pilipinas at alas 8:34 naman ng gabi sa Istanbul.

Dahil sa insidente, itinuturing na itong pinakamarahas at pinakamadugo na pag-atakeng naganap sa Turkey ngayong taon.

Read more...