Apat na agri-tech solution projects aprubado ng NEDA

 

Aprubado na ng National Economic Development Authority ang apat na agri-tech solution projects.

Nasa P100 milyong pondo ang inilaan ng NEDA sa mga proyekto na layuning pataasin ang food productivity ng bansa.

Kabilang sa inaprubahan ang alternative onion storage system na gamit ay kontroladong temperatura at automatic air flow mechanism.

Likha ng Occidental Mindoro State College ang naturang proyekto kung saan isang isang warehouse  na may air blow storage system ang ipatatayo para mapahaba ang life span ng mga sibuyas  o hindi madaling mabulok.

Inaprubahan din ng NEDA ang Project Geomap: Geospatial Mapping and Information System for Precise Farming and Smart Agriculture na mula naman sa Samar State University.

Aprubado ring pondohan ang Tabu, isang mobile application bilang isang  e-commerce tool para sa  agricultural industry mula sa Eastern Visayas State University.

Aprubado rin ang artificial  intelligence para sa  Impact Based Forecasting at Early Warning System para sa inclusive finance at pagpapalakas ng  local economic development  sa rice based farming communities.

Ayon sa NEDA, ang mga proyektong ito  ay nagsusulong ng mga solusyon sa sektor ng agikultura  para sa paghahanda sa kalamidad  at pag-preserba ng kultura at kasaysayan na nagpapakita ng pagiging malikhain ng mga Filipino.

 

Read more...