NBI nagsasagawa na ng imbestigasyon sa pamamaril kay Johnny Walker

 

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation kaugnay sa pamamaril sa broadcaster na si Juan Jumalon o alyas Johnny Walker sa Misamis Occidental.

Ayon kay Attorney Mico Clavano, tagapagsalita ng Department of Justice, nakatutok na ang NBI sa naturang kaso.

“Yes, the NBI is on the case already,” pahayag ni Clavano.

“The bureau received information on the case very early and are proactively working on leads to find the murderer. They have also coordinated with Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) for information-sharing,” pahayag ni Clavano.

Matatandaang dalawang beses na binarily sa mukha ang biktima habang naka-ere sa kanyang programa.

Una nang kinondena ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pamamaril kay Jumalon.

Read more...