Apat patay sa banggaan sa Antipolo

(PHoto: Jun-Andeng Ynares)

Patay ang apat katao matapos sumalpok ang sinasakyang Honda civic sa likod ng truck sa Marcos highway sa Barangay Mayamot, Antipolo City kaninang 3:00 umaga.

Nakilala ang mga nasawi na sina Juanito Magsino 22; Kidrock John Magsino, 21; Lawrence Ivan Jose, 21; at Ireneo Balmonte, 22 anyos.

Nabatid na si Juanito ang nagmamaneho sa kotse.

Ligtas naman ang driver ng truck na si Glen Gumban.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis kaugnay sa insidente.

 

Read more...