Rivermaya may reunion concert sa Pebrero 17

Magsasagawa ng reunion concert ang sikat na Pinoy rock band na Rivermaya sa Pebrero 17 sa susunod na taon sa SMDC Festival Grounds.

Tampok sa konsyerto ang original cast ng banda gaya nina Bamboo (vocals), Rico Blanco (guitars), Nathan Azarcon (bass), at Mark Escueta (drums).

Hindi naman kasama ang original lead guitarist na si Perf de Castro.

Sumikat ang Rivermaya sa mga kantang Kisapmata, 214, Elesi, Hinahanap-hanap kita, Awit ng Kabataan at iba pa.

Mabibili ang ticket sa Nobyembre 17 ng 3:00 ng hapon sa SM Tickets outlets sa halagang P14,750 para sa VIP at P2,550 naman para sa bronze.

 

Read more...