Matthew Perry inilibing na

 

Inihatid na sa huling hantungan ang aktor na Matthew Perry sa Los Angeles cemetery.

Nabatid na mga kamag-anak at mga kasamahan sa trabaho ang naghatid sa huling hantungan kay Perry.

Ayon sa ulat ng TMZ, nakipaglibing ang mga “Friends” co-stars ni Perry na sina Jennifer Aniston, Courteney Cox, Lisa Kudrow, Matt LeBlanc at David Schwimmer.

Nakipaglibing din ang ama ni Perry na si John Bennett at stepfather na si Keith Morrison.

Nasa 20 katao lamang ang nakipaglibing.

Sumikat si Perry bilang Chandler Bing sa TV sitcom na Friends.

Pumanaw si Perry sa edad na 54.

Natagpuang patay si Perry sa jacuzzi ng kanyang  bahay sa Los Angeles.

 

Read more...