Dating Pangulong Rodrigo Duterte naaksidente

(Courtesy: Senador Bong Go)

 

Aksidenteng nadulas sa kwarto ng kanyang bahay si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Base sa Facebook post ni Senador Bong Go, agad naman na nagpa-check up ang dating Pangulo sa Davao Doctors Hospital kahapon, Nobyembre 3.

“Salamat sa Diyos, ok naman ang X-ray ni Tatay Digong,” pahayag ni Go.

Ayon kay Senator Kuya Bong Go, nagpapasalamat siya sa Diyos dahil walang anumang kumplikasyon at nasa maayos na lagay na ngayon si Tatay Digong matapos itong magpa-Xray.

Base sa mga litrato ni Go, game naman na nakipagpa-picture si dating Pangulong Duterte sa mga medical frontliners at mga staff ng ospital.

Nagpasalamat din si Go sa mga medical frontliners dahil sa serbisyo at sakripisyo noong panahon ng pandemya.

 

Read more...