33 tonelada ng basura, nakolekta sa mga sementeryo noong Undas

 

(MMDA photo)

Nasa 33 tonelada o 10 truck ng basura ang nakolekta ng Metro Manila Development Authority sa ibat ibang sementeryo sa Metro Manila sa nakalipas na Undas.

Ayon sa MMDA, nakolekta ang mga basura mula Oktubre 26 hanggang Nobyembre 2 mula sa paglilinis sa 27 sementeryo.

Nabatid na mas maraming basura ang nakolekta ngayong taon kumpara sa 24.2 tonelada o pitong truck noong Undas 2022.

Ang cleanup operations sa labas ng mga sementeryo ay bahagi ng Oplan Undas 2023 ng ahensiya para matiyak ang kalinisan at kaayusan sa mga sementeryo sa buong Metro Manila.

 

Read more...