Taft Avenue sa Manila, sarado sa mga motorista

 

Pansamantalang isasara ang kahabaan ng Taft Avenue mula sa bahagi ng Supreme Court sa Padre Faura Street hanggang sa Pablo Ocampo Street sa Manila mula 1:00 ng madaling araw hanggang 7:00 ng umaga sa Nobyembre 5.

Ito ay para bigyang daan ang fun run ng Supreme Court bilang bahagai ng kanilang sportsfest.

Pinapayuhan ang mga motorista na maghanap ng alternatibong ruta.

 

Read more...