Motion for reconsideration inihirit ni Congressman Jalosjos sa Korte Suprema

Personal na nagtungo sa Korte Suprema ang si Cong. Romeo Jalosjos Jr. ng first district ng Zamboanga del Norte. Ito’y upang maghain ng Motion for Reconsideration sa naging desisyon ng Supreme Court  na paupuin at iproklama ng Commission on Election (Comelec) si Roberto Uy Jr. hinggil sa 2022 elections. Ayon sa abogado ni Cong. Jalosjos na si Atty. Edward Guialogo, una ng idineklara ng Comelec na nuisance candidate ang isang Frederico Jalosjos kaya’t napunta ang boto sa kaniyang kliyente na resulta ng kaniyang pagkapanalo. Dagdag ni  Jalosjos, ang nuisance candidate na si Frederiko Jalosjos ay nagpalit lang ng pangalan para magaya ang apelyidong Jalosjos at isang substitute candidate ng isang Lester Uy Ong na first cousin ni Roberto Uy na siyang petitioner ng kasalukuyang kaso. Paliwanag ni Jalosjos, malinaw ang ginawang pamamaraan ng kampo ni Uy na paikutan ang elections na siyang puno’t dulo ng kaso na kanilang inilalaban ngayon. Dagdag ni Jalosjos, maituturing na nuisance candidate si Frederico Jalosjos dahil nagpapalit ito ng pangalan kung saan dahil dito ay nakikinabang ang kalabang partido. Paliwanag pa ng abogado, hangad lamang nila na mapigilan ang proklamasyon habang nakabinbin pa ang kanilang mosyon sa Korte Suprema. Una naman ng iginiit ni Cong. Jalosjos na anumang petisyon na kumukwestyon sa kaniyang pagkapanalo ay dapat ng ibasira dahil ang House of Representative Electoral Tribunal na ang nakakasakop nito matapos siyang maupo sa pwesto noong June 30, 2022. Sinabi pa ni Cong. Jalosjos, irerespeto naman niya ang anumang maging desisyon ng Korte Suprema kung saan nais lamang niyang marinig ang kasagutan.

Read more...