Inflation sa buwan ng Oktubre posibleng bumaba
By: Chona Yu
- 1 year ago
Naniniwala ang Philippine Amalgamated Supermarkets Association (PAGASA) na posible o bahagyang bababa ang inflation rate sa buwan ng Oktubre.
Ito’y dahil sa mga hakbang ng gobyermo na panatilihin mababa ang presyo ng mga bilihin at palakasin pa ang pagbebenta ng mga local products.
Ayon kay Philippine Amalgamated Supermarkets Association president Steven Cua, ang mga presyo ng mga produkto sa mga supermarkets ay nananatiling “stable” o walang paggalaw noong nakaraang buwan kung saan may ilan pa ang nagbababa ng presyo.
Pabor din ang kanilang grupo sa pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas na posibleng maglalaro sa 5.1 to 5.9 percent range ang inflation sa buwan ng Oktubre kumpara noong Setyembre na nasa 6.1 percent.
Bukod dito, malaking tulong rin ang mga naging hakbang ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. lalo na ang pagpapatupad ng Executive Order No. 39 o price cap sa bigas kaya’t napanatiling mababa ang presyo mga bilihin.
Paliwanag pa ni Cua, hindi na kakayanin pa ng mga consumers sakaling magkaroon pa ng pagtaas pa ng presyo ng bilihim kung kaya’t kailangan na maging stable ito upang hindi mawalan ng pagkakakitaan.