Mga Pinoy sa Gaza makalalabas na ngayong araw o bukas

 

Makalalabas na ngayong araw o bukas ang mga Filipino sa Gaza sa Israel.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nangako ang mga awtoridad sa Israel na palalabasin na ng Gaza ang mga Filipino.

“So, may pangako sila sa atin na maipapalabas na ang mga Pinoy, ang mga Pilipino, maipapalabas na by today or tomorrow. That is what they promised us. Saturday daw at the latest,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Nakahanda naman lahat ng ating mga bus. Nakahanda na ‘yung mga embassy natin sa Cairo na napunta… Nandoon lang sila. Matagal na silang nag-aantay doon sa tawiran, ‘yung Rafah crossing. And they are ready for when the time comes na tumawid na ang mga Pinoy dadalhin at pauuwiin,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Ayon kay Pangulong Marcos, nag-alok din ng tulong ang Pilipinas sa mga bansang kasapi sa Association of Southeast Asian Nations para mailabas ang kanilang mga kababayan sa Gaza.

“We have also offered our assistance to other ASEAN countries. Maraming Thai, may mga Vietnamese, mayroong mga iba’t iba,” sabi ni Pangulong Marcos.

Umaasa si Pangulong Marcos na ligtas na makauuwi sa Pilipinas ang mga Filipino mula sa Gaza.

Nasa mahigit 100 Filipino ang nasa Gaza.

Read more...