Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang negosyanteng si Francisco Tiu Laurel Jr. bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA).
Inanunsyo ni Pangulong Marcos ang pagkakatalaga kay Laurel sa isang press conference sa Palasyo ng Malakanyang.
Nanumpa na rin sa tungkulin si Laurel kay Pangulong Marcos.
“I am very happy yo have been able to announced the new appointment of one of the most important departments in our government at ito parang, isinama na natin na ang pagtingin natin sa private sector ay partner sa lahat ng mga ating gagawin,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Kumpiyansa si Pangulong Marcos na magagampanan ni Laurel ang tungkulin lalo’t matagal na ito sa industriya sa pangingisda at agrikultura.
Sabi ni Pangulong Marcos, alam ni Laurel ang mga solusyon sa problema sa sektor ng agrikultura at kilala rin nito ang mga tao lalo na ang mga expert at professional.
Taos puso namang tinanggap ni Laurel ang hamon ni Pangulong Marcos na paglingkuran ang mga nasa sektor ng agrikultura.
“Bilang kinatawan ng Angulo, layunin ko na ipagpatuloy ang kanyang mga adhikain at programa sa sektor ng agrikultura,” pahayag ni Laurel.
“Pangunahing adhikain ko ang pagtiyak na sagana ang ating ani at siguruhing ito ay makararating sa hapag ng bawat Filipino. Layunin ko na tiyakin na may sapat at masustansyang pagkain na mabibili ng ating mga kababayan sa tamang halaga,” pahayag ni Laurel.
Pangunahing utos ni Pangulong Marcos kay Laurel, kontrolin ang presyo ng mga bilihin,
Matatandaang mula nang maupo bilang Pangulo ng bansa noong Hunyo 2022, si Pangulong Marcos ang tumayong kalihim ng DA.