Nabawasan ang utang ng Pilipinas hanggang nitong Setyembre ng kasalukuyang taon.
Ayon sa Bureau of Treasury, naitala ang P14.27 trilyong utang ng bansa o pagbaba ng P80.9 bilyong nitong Setyembre kumpara noong buwan ng Agosto.
Pangunahing dahilan ay ang malaking halagang ibinayad ng pamahalaan sa mga utang nito sa parehong panloob at panlabas.
Naitala ang domestic debt o utang panloob ng national government nitong Setyembre sa P9.73 trilyon, mas mababa ng P56.8 bilyong mula noong Agosto bunsod ng redemption ng government securities.
Ayon pa sa bureau of treasury, minimal lamang o maliit ang epekto ng pagbaba ng halaga ng piso laban sa dolyar sa halaga ng utang.
Samantala, ang utang panlabas naman ng bansa ay naitala sa P4.53 trilyon, mas mababa ng P24.1 bilyon noong Agosto.
Bunsod naman ito ng kaaya-ayang third currency fluctuations at ang malaking halagang ibinayad sa foreign loans.