19 katao patay sa BSKE

Patay ang 19 katao matapos ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon sa Commission on Elections, naitala ang crime incidents mula Agosto 28 hanggang Oktubre 31.

Sabi ng Comelec, isa ang nasawi Region 1, isa sa Region 4A, dalawa sa Region 5, isa sa Region 9, 11 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at isa sa Cordillera Administrative Region.

Labing-apat katao naman sa BARMM ang nasugatan.

Nasa 29 na crime incidents ang naitala sa buong bansa.

Gayunman, wala sa mga suspek ang sumuko sa mga awtoridad.

 

Read more...