Bibisita sa bansa si Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Nobyembre 3 hanggang 4.
Ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs, official visit ang gagawin ni Kishida sa Pilipinas.
“President Ferdinand R. Marcos Jr. will officially welcome Japanese Prime Minister Fumio Kishida during the ceremonies at the Malacañan Palace on 03 November 2023,” pahayag ng DFA.
“The two leaders will hold a bilateral meeting to discuss areas of mutual concern such as political, security, economic and development cooperation, as well as people-to-people ties,” dagdag ng DFA.
Inaasahang tatalakayin ng dalawa ang regional at international issues.
Pagtitibayin din nina Pangulong Marcos at Kishida ang Magandang relasyon ng Pilipinas at Japan kung saan una nang umangat ang Strategic Partnership noong 2011.
Matatandaan na noong Pebrero 2023, nagsagawa ng official visit si Pangulong Marcos sa Japan.
Sa naturang biyahe, nakakuha si Pangulong Marcos ng $13 bilyong halaga ng agreements na inaasahang magbibigay ng libu-libong trabaho sa mga Filipino.
Nagkaroon din ng bilateral meeting noon si Pangulong Marcos kay Kishida at nagkaroon ng Imperial Audience kina Majesties The Emperor Naruhito at Empress Masako.