Sa pagtatapos ng buwan ng Oktubre, tataas pa ang halaga ng gasolina, samantalang matatapyasan naman ang presyo ng krudo o diesel.
Sa magkakahiwalay na anunisyo ng mga kompaniya ng langis, P0.45 ang madadagdag sa halaga ng kada litro ng gasolina, samantalang P1.25 naman ang ibababa ng presyo ng diesel.
Ang kerosene ay bababa ng P1.20 ang halaga ng kada litro.
Noong nakaraang linggo, bumaba din ang presyo ng krudo at kerosene samantalang nagmahal ang halaga ng gasolina.
Ang paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo ay bunga nang paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigang merkado.
MOST READ
LATEST STORIES