Shabu sa pantyliner, dalaw na biyuda huli sa BJMP

Nakakulong ngayon ang isang 43-anyos na biyuda matapos mabuking ang mga bitbit na hinihinalang shabu sa pagdalaw sa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).   Base sa ulat, isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakabalot sa isang P200 papel ang unang nadiskubre kay Myra Martinez ng Barangay Padilla, sa naturang lungsod.   Bunga nito, isinailalim na siya sa “body search” at nakita ang 10 plastic sachets na naglalaman din ng hinihinalang shabu na nakasiksik sa pantyliner.   Ang karagdagang droga ay nadiskubre sa paghalughog sa sling bag ni Martinez.   Hindi na nabanggit kung sinong detenido ang dapat na dadalawin ng suspek.   Mahaharap si Martinez sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...