Nanawagan ng pagkakaisa si Vice President Sara Duterte sa pagpili ng mga opisyal ng barangay.
Napakahalaga aniya kasi ng isinasagawang eleksyon ngayon araw para sa pambansang gobyerno.
Sinabi nito na hindi matatawaran ang kahalagahan ng mga gawain ng mga opisyal ng barangay dahil sa mga ito unang lumalapit ang mamamayan.
“Ang halalan ay isang natatanging proseso na kung saan lahat ng Pilipino, anuman ang estado sa buhay, ay nabibigyan ng pagkakataong makapag ambag para sa Bayan sa pamamagitan ng pagpili ng karapat dapat na mamuno sa ating lipunan,” aniya.
Nabanggit din nito na ang pagsasagawa ng eleksyon ay sumisimbolo sa pag-asa at pagkakaisa ng sambayanan.
“Ipakita natin ang ating pagkakaisa bilang isang bansa sa pamamagitan ng pagboto,” dagdag pa ni Duterte.