Mapapagtibay pa ang Republic Act 9164 o ang Government Reform Procurement Act.
Ito ang paniniwala ni Sen. Sonny Angara kayat aniya napapanahon ang ginagawang pagrebisa sa naturang batas.
Ang namayapang Senate President Edgardo Angara, ama ng kasalukuyang namumuno sa Senate Finance Committee, ang nagsulong ng batas at ito ay kinilala at pnuri ng World Bank at ibang bansa.
“The GPRA remains a good law but after two decades, a lot has changed— the entire technological landscape has evolved and we lose some efficiency in the process. Now is a good time as any to reassess the law, look at its strengths and weaknesses, build on these strengths and be more responsive to the needs of the government and the people,” ani Angara.
Nilayon ng batas na mapagbuti ang sistema ng pagbili ng gobyerno, gayundin ang kompetisyon, transparency at mawala ang politika na nagiging ugat ng korapsyon.
Banggit pa ni Angara na lumutang ang ibat-ibang hamon sa pagpapatupad ng batas, kabilang na ang “underspending” at ang matagal na pagkasa ng mga proyekto dahil sa masalimuot na pagbii ng mga gamit at pagkuha ng serbisyo.
Sa kanyang pangalang State of the Nation Address (SONA), nabanggit ni Pangulong Marcos Jr., na sa pagkakaroon ng bagong procurement law at auditing code mas makakasabay sa pagbabago ng panahon ang paggasta ng gobyerno ng pondo.
Inihain ni Angara ang Senate Bill 2466 para sa pag-amyenda sa batas, samantalang may magkakahiwalay na panukala sina Sens. Senators Francis Tolentino, Risa Hontiveros, Pia Cayetano, Ramon Revilla Jr., and Jinggoy Estrada para mapagbuti ang mga proseso ng procurement at bidding.
“A common observation in government procurement is that giving priority to the lowest bid does not always work in the best interests of the procuring entities because they sometimes end up with inferior quality of goods,” sabi pa ni Angara.