One week transition period sa bagong barangay, SK officials suhestiyon ni Tolentino

SENATE PRIB PHOTO

Hinikayat ni Senator Francis Tolentino ang Commission on Elections (COMELEC) at  Department of Interior and Local Government (DILG) na magsagawa ng tamang transisyon para sa mga bagong Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials.

Binanggit ito ni Tolentino kay Comelec Chairman George Garcia.

“Dapat po siguro ito yung magkaroon ng info drive ngayon o bukas ang DILG at COMELEC para nang sa ganon magkaroon muna ng transition kahit one week kasi Undas pa eh,” banggit ni Tolentino kay Garcia.

Una nang inihayag ni Garcia na kapag naiproklama na rin ngayon ang mga nanalong kandidato bukas ay dapat na magsimula na bukas dahil ang kanilang termino ay nagsimula na noon pang Enero 1 base sa desisyon ng Korte Suprema.

Alinsunod na rin ito sa nakasaad sa batas na nagpalawig sa eleksyon.

Read more...