Luzon, Metro Manila magiging maulap ngayon araw ng eleksyon

Naaapektuhan ng amihan ang Hilaga at Gitnang Luzon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Samantalang, may low pressure area na namataan sa distansiyang 995  kilometro silangan ng Northeastern Mindanao.

Base sa 4am weather forecast ng PAGASA, magiging maulap na may mahinang pag-ulan sa Batanes, Isabela,  Cagayan at Aurora at may banta ng flashfloods at landslides kung magiging malakas ang buhos ng ulan.

Sa  Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, at ilang bahagi Cagayan Valley ay maaring maging maulap na may kalat-kalat na mahinang pag-ulan.

Bahagyang magiging maulap na may mahinang pag-ulan ang maaring maging panahon sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, natitirang bahagi ng Central Luzon, at ang ibang bahagi din ng Cagayan Valley dahil din sa amihan.

Ang Bicol Region at Eastern Visayas ay magiging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa “trough” ng LPA / shear line.

At Ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay posibleng maging maulap din na may kalat-kalat na pag-ulan dahil naman sa localized thunderstorms.

Read more...