1,922 katao huli sa election gun ban

 

(File photo)

Isang araw bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections, umabot na sa 1,922 katao ang nahuli dahil sa paglabag ng gun ban.

Ayon sa Philippine National Police, nasa 1,454 na baril naman ang nakumpiska.

Nasa 2,325 na baril ang naka-deposito para sa safekeeping habang 1,683 ang isinuko sa pulis.

Nasa 151 na election-reated incidents na ang naitala sa buong bansa.

 

Read more...