Roxas Boulevard EDSA Flyover sa Pasay City, aayusin

 

Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways ang rehabilitasyon sa Roxas Boulevard EDSA Flyover sa Pasay City.

Ayon sa abiso ng Metro Manila Development Authority, ito ay para bigyang daan ang Installation of Expansion Joint na tatagal ng hanggang 5:00 ng umaga sa Nobyembre 12.

Pinapayuhan ang mga motorista sa northbound na dumaan sa Edsa Flyover Service Road habang ang mga nasa southbound ay maaring dumaan sa Buendia Flyover Service Road at mag U-turn sa Buendia patungo sa Diosdado Macapagal Blvd.

Inaatasan ang traffic personnel mula sa Pasay City local government unit (LGU) at MMDA na pangasiwaan ang daloy ng trapiko.

 

 

Read more...