Grab riders nagsagawa ng tigil pasada

Nagsagawa ng tigil pasada ang mga empleyado ng Grab ngayong araw.

Ito ay dahil  hindi matanggap ng mga empleyado ng Grab ang hindi makatarungang pagpapatupad ng  kumpanyang Grab sa pagbawas sa kanilang kita ng P45 mula sa dating P35 reduction base fare kasama na ang  P10 bawas sa  6  kilometer minimum per kilometer rate na dati ay P7 lamang.

Dahil dito, apektado at naramdaman ng mga pasahero ang tigil pasada.

Ayon kay Ernesto Mira Cordova, isa sa Grab driver, marami sa kanyang mga kasamahan ang nakiisa sa tigil pasada.

Sinabi naman ng grupong Kapatiran sa Dalawang Gulong (Kagulong) na hindi kinunsulta ang Grab riders na tataasan sila ng kumpanya ng bawas sa kanilang kita kaya laking gulat na lamang nila na maliit na lamang ang kanilang take home pay dahil dito.

Iginiit pa ng grupo na dapat tinutulungan ng Grab ang mga empleyado nito dahil sa lumiit na ang kanilang kita bunsod ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Panawagan ng grupo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Department of Transportation pati na sa Malakanyang na busisiin ang kanilang problema.

 

Read more...