Hindi na interesado ang Pilipinas na mangutang sa China para pondohan ang Mindanao railway project.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, naghahanap na ngayon ang Pilipinas ng ibang financial institution kung saan maaring magkaroon ng loan o utang ang bansa.
Base sa liham ng Department of Finance sa Chinese Embassy noong Setyembre 22, sinabi nito na hindi na interesado ang Pilipinas sa official development assistance ng China para sa financing ng Phase 1-Tagum-Davao-Digos segment” railway project.
Nasa P83 bilyon ang inilaang pondo para sa naturang proyekto.
Sa kasalukuyan, tatlo at kalahating oras ang biyahe mula sa Tagum, Davao del Norte patungo sa Digos sa Davao del Sur. Pero kapag natapos ang proyekto, magiging isang oras na lamang ang biyahe nito.
Sa ngayon, nagkakagirian ang Pilipinas at China dahil isyu sa West Philippine Sea.
Pero ayon kay Bautista, wala namang kinalaman sa tensyon sa West Philippine Sea ang pag-urong ng Pilipinas.