Konstruksyon ng National Sports Facility pinamamadali ni Pangulong Marcos

 

 

Pinamamadali na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagkumpleto sa National Sports Facility sa New Clark City, Pampanga.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa welcome at awarding ceremony ng mga Filipinong medalists sa 19th Asian Games 2023, sinabi nito na ito ay para magamit na ng mga Filipinong atleta ang pasilidad sa pagsasanay.

Inatasan ni Pangulong Marcos ang Philippine Sports Commission (PSC) pati na ang Pagcor at iba pang ahensya ng gobyerno na palakasin ang mga medical facilities para sa mga injured athletes upang mabilis silang gumaling at makabalik agad sa laro o training.

Nais kasi ni Pangulong Marcos na mabigyan ng modernong training facility ang mga atleta.

“Marami na rin tayong nagawa. Ngunit, aasahan ninyo dadagdagan pa natin ang ating suporta para sa ating mga atleta at sa susunod makakaramdam naman tayo ng mas maganda pang resulta sa ating mga international competition,” pahayag ni Pangulong Marcos sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.

“I said this when I addressed our Southeast Asian Games and ASEAN Para Games medalists: We know and understand that for our athletes to succeed in these competitions, they need all the help that they can get, especially from their government,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nais kasi ni Pangulong Marcos na agad na makabalik sa training at laro ang mga injured na atleta.

“Sa ating mga atleta, ito, ganito ang hamon ko sa inyo: Keep aspiring, keep believing, keep working. Spare no effort to unlock your full potential and be the best versions of yourselves,” pahayag ni Pangulong Marcos.

 

Read more...