Ilang senador kinondena pagbangga sa Ph resupply vessel, PCG ship sa WPS

AFP

Kinondena ng ilang senador ang pagbangga ng Chinese militia vessels sa Philippine Coast Guard (PCG) ship at isang resupply vessel sa West Philippine Sea (WPS).

“I am one with peace-loving Filipinos in strongly condemning this latest abhorrent actions of the China Coast Guard and Chinese maritime militia that put in danger the lives of our brave countrymen who were on a routine resupply mission to our troops in Ayungin Shoal,” ani Zubiri.

Kasabay nito, pinuri niya ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa paninindigan at katapangan sa kabila ng pagiging agresibo ng Chinese Coast Guard.

Diin lang din niya kailangan na kilalanin ang malinaw at hindi maitatangging teritoryo ng Pilipinas.

Sinisi naman ni Sen. Risa Hontiveros ang China sa pangyayari, na aniya ay paglabag sa pandaigdigang batas.

“The Philippine Coast Guard has every right to be in the West Philippine Sea. Walang karapatan ang Tsina na itaboy ang ating mga tropa sa ating karagatan. At mas lalong wala silang karapatan na saktan at banggain ang Pilipinong barkong tanging gumagawa lang ng kanyang trabaho sa sarili nating teritoryo,” giit ni Hontiveros.

Nanawagan siya sa pandaigdigang komunidad na makiisa sa pagkondena ng Pilipinas sa insidente.

Samantala, sinabi ni Sen. Jinggoy Estrada na bukod sa paglabag sa pandaigdigang batas ang ginawa ng China, nagsilbi din na banta sa kaligtasan at seguridad sa rehiyon ang pangyayari.

Hinikayat niya ang gobyerno na pag-aralan na ang nararapat na hakbang sa pagsasabing: ” this is a violation of our sovereign rights and an assault on our maritime personnel; it is completely unacceptable. Will a mere diplomatic protest still suffice?”

“Ito lamang ay nagpapatunay ng patuloy na pagbabalewala ng China sa mga panuntunan ng International Law at basic maritime safety. Ang naturang insidente ay dapat mapasailalim sa isang masusing imbestigasyon sa ilalim ng International Convention for the Safety of Life at Sea (SOLAS) at ang Code for Investigation ng  Marine Casualties and Incidents ng International Maritime Organization,” ayon naman kay Sen. Francis Tolentino.

Read more...