Umaabot sa 400 pamilya ang nakatanggap ng tulong pinansiyal sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ito’y sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD NCR kung saan ginanap amv pamamahagi nito sa Pritil Public Market sa Tondo, Manila. Ang mga nasabing benipisyaryo ay pawang mga biktima ng mga insidente ng sunog na nangyari sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod kung saan karamihan sa kanila ay may pwesto sa palengke. Bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng P10,000.00 na tulong pinansyal na maaari naman nilang magamit bilang puhunan sa pagtitinda ng palengke. Ang nasabing hakbang ng DSWD ay isa sa mga programa ng pamahalaan kung saan nais ni Pangulong Marcos Jr. na masiguro na mabibigyan ng tulong amg lahat ng mga nangangailangan lalo na ang mga naapektuhang ng sunog at kalamidad.MOST READ
LATEST STORIES