Pagharang sa texts na may clickable links pinuri ng Globe

Sinuportahan ng Globe ang kautusan ng National Telecommunications Commission (NTC)  sa telecos na harangin na ang text messages na naglalaman ng “clickable links.”

Ito, ayon sa Globe, ay isang paraan para matuidukan na kundi man mabawasan ang text scams at iba pang panloloko sa pamamagitan ng text message.

Ang Globe ang unang nagpatupad ng hakbang na ito noong Setyembre 2002, kung kailan  sinala ang lahat ng person-to-person (P2P) SMS na may clickable links sa kanilang network.

“We praise and embrace the NTC’s directive. We at Globe recognize its significance in our shared journey towards a safer digital landscape. In line with this proactive step, we reaffirm our commitment to reducing scams and fraudulent activities, ensuring that every message sent and received is one of trust,” wika ni Anton Bonifacio, Globe Chief Information Security Officer.

Sa isang memorandum na may petsang September 27,  binigyang-diin ni NTC Commissioner Ella Blanca Lopez ang pagbabago sa isang memo na inilabas noong nakaraang taon, batay sa kaligtasan ng publiko at sa mga tuntunin ng “fairness and equality”.

Inaatasan ng revised memorandum ang telcos “na i-block o i-deactivate ang text messages na naglalaman ng clickable domains, URLs, URL shortening services links, Smart Links, at QR Codes.

Ginagamit ng mga mapagsamantalang indibidwal ang naturang links upang linlangin ang receiver sa pagsisiwalat ng personal information, pag-download ng malware, o pagtamo ng unwanted charges, kadalasan ay sa pamamagitan ng pagpanggap bilang trusted entities o pag-aalok ng false incentives.

Dahil patuloy ang text scams, iginiit ng Globe ang dedikasyon nito na makipagtulungan sa mga ahensiy lalo na sa NTC, sa walang humpay na kampanya laban sa panloloko at iba pang uri ng cybercrime.

Ang hakbang na ito ng Globe ay nagresulta sa kabuuang 2.73 billion messages na na-block noong 2022, na sumasaklaw sa lahat ng malisyoso at kahina-hinalang SMS, kabilang ang mga may clickable links.

Na-deactivate din ng Globe ang halos 60,000 SIMs noong nakaraang taon dahil sa ‘unwanted’ messaging. Sa pagtatapos ng Setyembre ngayong taon, na-block ng Globe ang kabuuang 2.59 billion spam at scam messages, na-deactivate ang 4,733 SIMs, at na-blacklist ang 150,287 na may kinalaman sa SMS fraud.

 

Read more...