Pangulong Marcos Jr., haharap sa Saudi business leaders

PCO PHOTO

Riyadh, Saudi Arabia -Dumating na dito si Pangulong Marcos Jr. para dumalo sa kauna-unahang Asean-Gulf Cooperation Council.

Dakong ala-1 ng hapon o ala-6 ng gabi sa Pilipinas nang lumapag ang Philippine Airlines OO1 sa King Khalid International Airport.

Agad na sasabak si Pangulong Marcos Jr., sa roundtable merting kasama ang Saudi business leaders.

Bukas ng umaga ay makikipagpulong si Pangulong Marcos Jr., sa Filipino community.

Mananatili siya dito hanggang bukas, Oktubre 20.

Una nang sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na makakakuha ang Pangulong Marcos Jr., ng panibagong investment pledges sa biyaheng ito.

Read more...